Usap-usapan ngayon sa social media ang panibagong post ni Angel Locsin sa kanyang facebook account sa gitna ng nagsilabasang blind item.

Ang nasabing blind item ay tungkol umano sa isang mag-asawa na naghiwalay at ang mistir nito ay nakabuntis ng ibang babae.

Dahil blind item ito ay walang nabanggit na pangalan kung sino ang nasa likod ng nasabing isyu.

Samantala sa post ni Angel sa kanyang facebook ay ibinahagi niya ang larawan nila ng kanyang asawang si Neil Arce na nasa bundok. 

"Happy midweek! Spread love" caption ni Angel sa nasabing post 

Narito naman ang ilang komento ng netizens: 

"Happy for you both angel and niel love you..." 

"Hi po! Stay forever  hwag papaapekto sa mga mapanirang tao" 

"Ayun naman pala. Kala ko e....... Sending love " 

"Hindi po totoo ang chismis.Ayan sila oh. #lovelovelove" 

"lovely couple.....nawindang ako slight sa tsismis...buti nalang hindi totoo hehehehe..godbless both"  

Si Angel Locsin ay isang sikat na actress dito sa Pilipinas. Siya ay bida sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” 

Kilala rin si Angel bilang isang "real life darna" dahil laging siyang present sa tuwing may mga sakuna na kung saan naghahatid siya ng tulong.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post