Ibinahagi ng beteranang actress na si Jacklyn Jose na na-hack umano ang kanyang facebook account.

Ibinahagi niya sa kanyang instagram ang screengrab kung saan ginamit ang kanyang account sa pangungutang ng 20k.

"My phone has been hacked...pls ignore if some one is asking for money d po ako yun," ayon sa caption ng aktres sa kaniyang post. 

Tila duda naman ang inuutangan ng nasabing hacker sa mensahe nito kaya napatanong ito kung si Jacklyn ba ang kanyang ka-chat: "ikaw ba ito o na-hack ka?." 

Samantala sa comment section ng nasabing post ni Jacklyn ay sinabi niya na: "Ang style [ng hacker] kamusta ..those who know me alam nila hindi ako yan..pls wag paloko....ako na sana ang huling naloko ng mga taong ito..." 

Hinala ng actress a baka taga-industriya rin daw ang nasabing hacker.

"I think taga industry ito ..alam nia ang zoom( meaning d puede video call kasi nasa zoom...," paliwanag ni Jaclyn patungkol sa ginawang pagtawag ng kakilala niya sa hacker pero idinahilan na nasa "zoom" siya. 

Si Jacklyn Jose ay isang cinema and television actress who has earned international critical acclaim.  Kilala siya sa kanyang role sa mga pelikulang Private Show, White Slavery, and Santa Juana.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post