Inalay ng actor na si Andrew Schimmer ang kanyang natanggap na award para sa kanyang asawang nasa ospital ngayon dahil sa sakit.

Ang nasabing award ni Andrew na personal niyang natanggap ay ang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia- Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila.  

Halos hindi naman makapaniwala si Andrew ng matanggap niya ang nasabing award dahil aniya marami pa raw ang mas deserving.

Pagkatapos ng awarding ay agad na dumiritso si Andrew sa hospital kung saan nakaconfine ang kanyang asawa.

"Para sa'yo to Love ko, kaya ako may award"sabi ni Andrew sa kanyang asawa 


Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post