Usap-usapan ngayon sa social media ang Christmas wish ni Aljur Abrenica sa kanyang rumored girlfriend na si Aj Raval.

Sa isang interview, ay tinanong siya ng showbiz insider na si Morly Alinio tungkol sa umanoy wish niya kay Aj sa darating na pasko.

Ayon kay Aljur gusto raw niya na maging masaya si Aj.

"Ang gusto ko lang e maging masaya siya, na lahat ng wish niya, lahat nang makakabuti para sa kanya, mangyari... ’Di ko alam kung maibibigay ko ’yon pero wini-wish ko ’yon para sa kanya,"sabi ni Aljur 

Hindi na nagbigay pa ng detalye si Aljur tungkol sa totoong namamagitan sa kanila.

Samantala nang tanungin ang actor kung ano ang pinakamalungkot na pasko para sa kanya ay tanging sinabi niya na:

"Ohhh… pinakamalungkot, siyempre yung first Christmas na, na hindi ko kasama yung pamilya ko. Yung separation namin ni Kylie." sabi ng actor 

Pwede mong panoorin ang buong interview ni Aljur dito:

Si Aljur Abrenica ay isang actor, dancer, model, at singer. Sumikat ang actor ng sumali sa fourth season of GMA's reality show, StarStruck.

Nagkaroon rin siya ng Teleserye sa ABSCBN na na may pamagat na Sandugo kung saan kasama niya ang dating Pinoy Big Brother Winner na si Aj Falcon. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post