AJ Raval nanganak na umano ani source ni Ogie Diaz

 

Sa latest update ng vlog ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi ay napag-usapan nila ang tungkol kay Aj Raval.

Ayon kay Ogie may nagconfirm na raw na nanganak na si AJ.

Ngunit medyo duda umano siya sa kanyang source na umanoy buntis si AJ dahil kamakailan lang ay itinanggi ng ama nitong si Jeric Raval ang pangbubuntis ni Aj.

"Ako'y nagugulumihanan. Ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin na sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ, na nung dumating doon eh nakatakip ang mukha. Pero hindi siya dun sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang," sabi ni Ogie 

Sinabi rin umano ng source ni Ogie na nag-aantay raw si Aljur kay AJ.

"Si Aljur Abrenica raw ay nandun sa labas ng madaling araw, noong November 19, nag-aabang sa labas. Nandun siya sa loob ng sasakyan, naka-face mask, hanggang sa eventually malaman ng ating source na, 'Ayun. Si Aljur nga yun.' Kasi tinanggal ang face mask," pagbubunyag ni Ogie 

Ayon pa sa source ni Ogie, Alvarez raw ang ginamit ni AJ sa halip na Raval.

"Tapos agad-agad naman daw, pagkatapos manganak ay inilabas na. Ang ginamit daw na apelyido nitong si AJ ay Alvarez" sey ni Ogie 

Panoorin dito ang buong kwento ni Ogie tungkol kay AJ:

 Anong masasabi niyo sa artikulong ito? Nagustuhan mo ba? Kung may suhistyon ka ay mag-iwan ng iyong komento sa ibaba. Maraming salamat ka-tabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form