Nagreact na ang komedyanteng si Vice Ganda sa viral video ng isang netizen na kung saan naiyak ito dahil halos dalawang linggo ng wala siya sa Its Showtime.

"Nakakaiyak lang kasi magdadalawang linggo nang wala si Meme [Vice] sa ‘Showtime.’ Hindi ko na alam kung paano tumawa," sabi ng netizen sa kanyang viral video 

Nang magviral ang nasabing video at mapanood ito ni Vice ay nagreact ang komedyante.

Kwela ang naging sagot niya kung bakit wala siya sa Its Showtime peru ipinangako naman niya na magbabalik siya sa nasabing show.

"Aww! Dami ko lang labada at sinampay. Nag-uuulan pa. I’ll be back soon. Love you!" sabi ni Vice 


Si Vice ay isang sikat na komedyante dito sa Pilipinas. Si Vice ay tinaguriang unkabogable star dahil sa mga hit niyang mga pelikula.

Isa rin si Vice sa main host ng Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post