Tinalakay ni Cristy Fermin sa kanyang online show na Cristy Ferminute ang tungkol sa personal na opinion ng lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzales.

Matatandaan na sinabi ni Gonzales sa isang panayam na na mas mabuti na magka-aregluhan na lang umano ang kampo nina Vhong at Deniece.

Kaya sa kanyang show ay nagbigay ng komentaryo si Fermin kaugnay sa pahayag g lolo ni Deniece.

"Pero nagkaroon ng pagsasanga-sanga ang pag-iisip ng ating mga kababayan dahil 'yung lolo ni Deniece...." sabi ni Fermin 

“Dalawang magkasangang opinyon po ang naririnig namin ni Romel at marami pa naming kasamahan. Una, maaari nga po siguro na matindi ang concern ng lolo ni Deniece sa kanya. Na habang tumatakbo po kasi ang kasong ito, kakambal po ang mga bintang at kung ano-anong masasakit na salita laban sa kanyang apo. Sa kabilang banda naman, iniisip ng iba na, 'Naku, mukhang may ibang inaasinta itong lolo ni Deniece. Mukhang ang gusto niya ay magkaayos na lamang 'to.' Parang amicable settlement, ganu'n ba 'yon?”sabi pa ni Fermin 

"Ngayon, iniisip naman ng iba nating mga kababayan, 'Naku ang lolo ni Deniece, mukha atang may kakaiba naman na pinaplano tungkol dito.'" saad pa niya

 "Hindi po natin alam, hanggang sa sapantahan lang po at pag-aalala at pag-aagam-agam ang ating magagawa. Hindi po natin alam kung talagang ano ang tinutukoy ng lolo ni Deniece tungkol sa balitang ito.” sey pa ni Fermin


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post