Naging isang personal assistant ni Regine Velasquez ang komedyanteng si Vice Ganda para sa taping nito sa ASAP.

Makikita sa video na alagang-alaga ni Vice si Regine. Mula sa pag-alalay sa paglalakad, pagpapaypay, pagbibigay ng tubig hanggang sa pagdadamit at pagbibitbit ng bag.

Kahit nasa stage na ng stage ay makikitang nakabuntot parin si Vice kay Regine para umanoy mabantayan niya ang kanyang alaga.

Makikita rin sa video na maging ang tissue ni Regine ay pinulot ni Vice.

“May remembrance na tayo! Sipon ito ni Songbird! Not Philippines, not Luzon, not Visayas, not Mindanao, but Asia! Not just a country but a continent!” sey ni Vice.

“Anong feeling nga ng pagka-PA?” tanong ni Regine kay Vice.

“This is a remarkable experience. Hindi ko po laging ginagawa ito--ang gumising ng alas-siyete ng umaga para magpa-swab,” paliwanag ni Vice.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post