Ibinulgar ng Its Showtime host na si Karylle ang umanoy paglike ni Ryan Bang sa lahat ng mga babae.

Ayon kay Karylle para raw makabawi siya ay ila-like rin niya ang mga pictures ni Ryan.

"Dahil lagi kong inaasar si Ryan, I'll do something sweet para kay Ryan diba? Makabawi man lang ako, ila-like ko lahat ng picture niya. Kasi nakita ko nila-like niya lahat ng picture ng lahat ng babae, so para naman may mag-like sayo, ako na yun," sabi ni Karylle 

Matapos marining ni Ryan ang sinabi ni Karylle tungkol sa kanya ay may wish umano siya ngayong Christmas.

"Alam mo, ang wish ko ngayong Christmas, i-unfollow mo ako." 

Sumambat naman si Amy Perez na: "Sinu-sinong babae yun?" 

Hindi naman sinabi ni Karylle kung sino-sinong mga babae ang nilike ni Ryan.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post