Ayon kay Mon, huwag daw sisishin si Remulla sa kasalanan ng kanyang anak na maalalang inaresto dahil sa illegal na druga.
Sabi ni Mon sa kanyang facebook post: "Huwag nating sisihin si Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla sa kasalanan ng kanyang anak na si Juanito.
"Si Juanito ay 36 at di na bata. Kung nagkamali man siya ay di kasalanan ng kanyang ama
"Sino ba ang ama na matino ang pag-iisip na magudyok sa anak na lumabag sa batas? Lalo pa’t ang ama ay justice secretary.
"Kahit na anong disiplina o pangaral ang gawin ng isang magulang sa kanyang anak ay may hangganan kapag ang anak ay malaki at matanda na.
"We parents can only do so much to guide our children on the right path.
"Di na natin kasalanan bilang magulang kung ang tinatahak ng ating anak ay baku-bakong landas."
Maraming netizens ang nagbigay ng reaksyon sa nasabing post ni Mon.
Isa na rito ang netizen na tinawag na Delivery Boy ni Mon.
"Di po siya ordinaryong tao, siya po ay Sec ng Justice, kaya dapat siya mag resign. Nakakahiya po iyan, sarili nyang anak di nya kayang malinis."sabi ng netizen
Sinagot ito ni Tulfo ng: "Hu, nagsalita ang delivery boy! Usapan ng mga intelihenteng tao ito."
Anong masasabi niyo dito?