Viral ngayon sa social media ang reaksyon ni Dimples Romana sa pagbabalik skwela ni Francine Diaz.

Sa kanyang post sa instagram kamakailan lang, ibinahagi ni Francine ang kanyang larawan sa first day ng kanyang pagbabalik sa skwelahan.

“First face-to-face class this year! Felt like a first-timer. It was so nice to finally meet my classmates in person"sabi niya sa kanyang post 

Si Francine ay nag-aaral sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFU).  

Sa comment section ng post ni Francine ay kinaaliwan ng maraming netizens ang reaksyon ni Dimples Romana.

Nagreact si Dimples bilang "Daniela" sa hit serye noon na Kadenang Ginto.

"Cassssiiiieeee…. Diba sinabi ko naman sayo, hindi ka muna papasok sa…. okay okay, pumasok ka na sa school Cassie, I’m a proud ate – Daniela,"sabi ni Dimples 

Matatandaan na magkasama si Francine at Dimples sa nabanggit na teleserye sa taas.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post