Kitang-kitang raw ang kalungkutan ni Jhong Hilario ngayon habang nasa piitan ang kaibigan nitong si Vhong Navarro dahil sa mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo laban sa actor.

Sa kanyang online show na "Showbiz Now Na" ay muling tinalakay ng beteranang columnist na si Cristy Fermin ang tungkol kay Vhong.

Napansin raw ni Fermin, na malungkot raw si Jhong ngayon sa kalagayan ng kanyang kaibigang si Vhong.

“Ang nakikita ko talaga, si Jhong Hilario, kitang-kitang ko 'yung hitsura ni Jhong na talagang sobra siyang nalulungkot,” sabi ni Fermin

"Kasi naman Nay, sabay silang nagsayaw, sabay sila," sambat naman ng kasama ni Fermin na si Rommel 

"Pero 'yung buong 'Showtime,' wala pa daw dumadalaw do'n, isa sa kanila sa 'Showtime.' Parang ano lang, sa text text, pinaparating nila kay Tanya" sey pa ni Rommel 

Nagbigay naman ng kanyang pananaw si Fermin kaugnay sa umanoy hindi pagdalawa ng Its Showtime host kay Vhong sa piitan.

“Pero meron kasing mga tao na sa halip na makita ko si Vhong na nakakulong, mas gusto ko na na, parang pumanaw. Ako, ayokong nakikita na nakahiga sa kabaong ang isang mahal ko, maliban sa pamilya, bukod sa pamilya. Pero 'yung nakapiit, naghihimas-rehas. Mag-uusap kayo, may nakaharang na rehas, na abot-kamay niyo lang ang isa't isa pero merong harang sa pahitan niyo, diba?” sey ni Fermin

Panoorin ang pagtalakay ni Fermin at kanyang mga kasamahan kay Vhong sa tatak na 25:52.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post