Pinalagan ni Sharon Cuneta ang kanyang basher na kung saan tila natuwa ito nang hindi siya pinapasok sa Hermes Store sa Seoul, Korea at tinawag pa siyang ipokrita.

Matatandaan na kamakailan lang nagviral ang isang clip mula sa vlog ni Sharon na kung saan tila itinaboy ang actress ng isang doorman sa Hermes Store.

Sinopla ni Megastar Sharon Cuneta ang netizen na natuwa nang hindi ito pinapasok sa Hermes store sa Seoul, South Korea.

Sabi ng basher kay Sharon: "Great job, Hermès. PROTOCOL (discipline) means a lot in South Korea. Dinadahilan belt lang ang bilhin ngunit paglabas... alam na. Sus! Huwag tayong maging hypocrite."

Hindi nagustuhan ni Sharon ang komento ng nasabing basher kaya sinagot niya ito.

"ALL my Hermès stuff was bought for me by my personal shoppers."sabi ni Sharon

"You cannot walk into any of their stores expecting to leave with a Birkin or a Kelly. Unless you have an SA friend, which I do in Rodeo Drive, who shows you stuff in the back."dagdag pa niya

"Judgmental na naman. Dami ko nga nabili sa LV tapos hypocrite? Hay mema lang,"sagot pa ni Sharon sa basher 

Images courtesy of Instagram: reallysharoncuneta



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post