Viral ngayon sa social media ang video ni Jhong Hilario na kung saan aksidente siyang nahulog sa stage ng Its Showtime.

Nangyari ito matapos nang habulin ni Vice si Jhong dahil sa pagiging inattentive nito sa laro nilang "Palarong Pang-madla: Vest in Spelling".

Nagulat naman si Vice sa nangyari kay Jhong at tila kinabahan ito.

Agad naman si Jhong na inalalayan ni Vice kasama ang mga staff ng nasabing show.

Nang makatayo na ay tawang-tawa si Jhong sa nangyari.

"Buti na lang nadulas ako. Tignan mo, hindi mo ako nasaktan."sabi ni Jhong kay Vice

"Alam mo kung bakit ka nadulas?" tanong ni Vice kay Jhong

"Bakit?" tanong naman ni Jhong kay Vice

"Kasi sa maling reseller mo binili' yung rubber shoes mo," nakakalokang sagot ni Vice kay Jhong

 "Original 'yan." sabi naman ni Jhong  

Panoorin dito ang nakakaaliw na video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post