Kahit may iniindang sakit ay taos puso paring tinulungan ni Kris Aquino ang beteranang columnist na si Lolit Solis sa dialysis treatment nito.

Ito ang ibinunyag ni Lolit sa kanyang post sa Instagram.

"Dahil nasabi sa kanya ni Ronite @dpersonalshopperph na nagda dialysis ako kaagad niyang pinatawag si Alvin para alamin kung ano kailangan ko at ibibigay niya agad. To think na meron siyang sakit at nasa abroad siya. Talagang kahit love/hate ang relationship namin dalawa, hindi talaga nalimutan ni Kris Aquino ang naging friendship namin." pagbubunyag ni Lolit 

Ani pa ni Lolit na kahit tactless at naughty raw si Kris ay handa itong tumutulong sa nangangailangan.

"Kahit kelan sasabihin ko na walang mean bone si Kris, puwede na naughty siya, tactless pero magaan at bukas palad siya dahil mabait ang puso niya." sabi ni Lolit 

Nagwish din si Lolit na sana ay maging maayos na ang kalusugan ngayon ni Kris para sa kanyang mga anak.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post