Talagang di mapigilang magreact ng komedyanteng si Ogie Diaz sa basher na nagsasabing mukha raw siyang tipaklong.

Sa kanyang post sa kanyang instagram stories ay ibinahagi niya ang profile picture ng kanyang basher nagsasabi ng hindi maganda sa kanya.

Hindi naman ipinakita ni Ogie ang pagkakilanlan ng nasabing basher sa halip ay tinabunan niya ang picture nito.

Ayon kay Ogie sa basher, ayaw raw niyang husgahan ito at bilhan nalang niya ng salamin.

"Sabi niya, mukha daw akong tipaklong, hahaha! Ayaw ko na lang i-judge si kuya. Gusto ko na lang siya ibili ng salamin." sabi ni Ogie 

Si Ogie Diaz ay kilalang komedyante dito sa Pilipinas. Siya ay ang dating manager ng kapamilya star na si Liza Soberano.

Si Ogie ay laging napapanood sa kanyang YouTube Channel para magbigay update sa mga latest showbiz happenings.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post