Maraming mga netizens ang naantig sa nakaka-iyak na mensahe ni Tanya Bautista-Navarro para sa kanyang asawang si Vhong Navarro na kasalukuyan ngayong nasa detention center ng NBI.

Ayon kay Tanya sa report ng Pep.ph ay hinding hindi raw niya iiwan si Vhong dahil mahal na mahal raw niya ito.

"Si Vhong, sobrang mahal na mahal ko. Uhm, huwag na huwag mong iisipin na iiwan kita. Lagi na siyang ganyan. Iyon yung greatest fear niya."sabi ni Tanya

"Sinasabi ko sa kanya, ‘Kung iiwan kita, dapat noon pa. Nung hindi tayo kasal, kung nangyari ‘to, mag-boyfriend-girlfriend pa lang tayo, hindi kita hinatid sa ospital." dagdag pa niya 

“'O kaya, nung nakikita ko na medyo okay ka na, iwan na kita. Hindi. Umabot tayo dito. Lalo kong nakita kung gaano ka kabuting tao. Nagpakasal tayo. So, never, never think na iiwan kita sa laban na ‘to,'” saad pa ni Tanya 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na  street boys. 

Sa kasalukuyan ay isa si Vhong sa mga main host ng noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post