Galit ang nararamdaman ng actress na si Nadine Lustre kaugnay sa street sweeper na na hit-and-run ng isang SUV sa Paranaque nito lamang Sabado ng Umaga.
 
Sa kanyang twitter, niretweet ni Nadine ang video ng nasabing insidente na pinost ng fashion designer na si Rajo Laurel.

Base sa video, nabangga ang isang babaeng street sweeper ng isang SUV habang naglilinis ito sa kalsada.

Sa halip na huminto, ay humarorot ang driver palayo sa kanyang naging biktima.

"Di ko maexplain yung galit ko,” sabi ni Nadine  

“Does anyone know if there are updates on this??” sabi pa niya sa hiwalay na tweet 

"Not buying the whole 'unaware' bs. Mararamdaman mo naman siguro kung may nabangga ka.” sabi pa ni Nadine 
 
Aminado si Nadine na nasaktan siya sa sinapit ng babae.

"Our justice system is so flawed we don’t even know if this issue will be handled accordingly. Naiiyak talaga ako para kay lola at sa pamilya niya.” sabi ni Nadine 

Kalaonan ay dinelete rin ni Nadine ang kanyang ipinost na video.

"I deleted my tweet with the vid. Just realized that it’s very triggering,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post