Nagbigay ng panibagong update ang beteranang columnist na si Cristy Fermin kaugnay sa singer na si Jake Zyrus.

Sa kanyang online show na Cristy Ferminute ay ibinunyag ni Fermin na marami umanong nakakakita kay Jake na laging naglalasing at nagwawala raw ito sa America.

“Uy, pag-usapan natin si Jake Zyrus. Ano nagaganap kay Jake? Ang daming mga Pilipino na nagkukwento sa iba't ibang lugar sa America na parati siyang nakikitang lasing. At kapag nalalasing na, nawawala sa sarili, nagwawala"

Sumambat naman ang kasama ni Fermin na baka raw may mabigat na pinagdaanan ngayon ang singer.

"Naku, mukhang mabigat ang mga pinagdaraanan nito. Mukhang maraming iniisip ito.” sey ni Rommel 

“Matindi ito, matindi ito. Kasi 'yung pag-inom okay lang 'yan. Kung may okasyon, uminom. Pero kapag nakainom na, eh teka muna, ba't nagwawala? Ano ang kanyang malalim na problema?” sabi naman ng beteranang columnist 

“May malalim na problema itong si Jake. Dapat niya talagang anuhin 'to, ayusin.” dagdag pa niya

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post