Super proud ang komedyante at kilalang vlogger na si Ogie Diaz na gumraduate ang kanyang anak ng with honors sa UST.


Sa kanyang post sa Facebook ay proud na ibinida ni Ogie ang mga larawan ng kanyang anak  na si Ghodie na gumraduate ng senior high sa nasabing skwelahan.

Pagmamalaking kwento ni Ogie: "Si Godhie, studious na bata. Kahit may sakit, papasok sa school. Adik  sa pag-aaral. Kasi nga, happiness niyang mag-aral.


"At eto nga, o!  Umakyat pa kami ng mama niya sa stage dahil with honors pa siya.  Ako ang nagsabit ng medal sa kanya, naaliw ako. Hahaha! Sobrang proud daddy and mama lang yarn," 

Ikinuwento rin ni Ogie ang gusto ni Godhie na maging doktor.

"Gusto niyang maging doktor someday, kaya premed niya ang medtech.  Kaya ngayon pa lang, kine-claim ko nang may future doctor na ako.  Kasabay nang pagiging open-minded kung sakaling magbago ang kanyang isip," 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post