Binanatan ni Lolit Solis ang actress na Bea Alonzo dahil umanoy ayaw raw nitong makatrabaho ang ex niyang si Gerald Anderson.

Ayon kay Lolit hindi naman daw ganun ka sikat at marketable si Bea para mamili ng casting.


“Tawa naman ako sa mga lumabas na items ni Bea Alonzo, Salve. Meron duon na sinabi niya na never na siyang sasama sa isang project na nanduon si Gerald Anderson. Wow ! Strong words.

"Tandaan ni Bea Alonzo na ang nang iwan sa kanya si Gerald Anderson, hindi siya. So huwag palabasin na parang ang may choice si Bea, si Gerald ang nasa upper hand dito dahil siya ang nang iwan, hindi siya iniwan, dahil ang na ghosting si Bea.

"Ok kung gusto ni Bea Alonzo mag power tripping, mamili ng partner, fine, go. Pero tandaan niya hindi siya ganuon kasikat, marketable para siya ang masunod sa casting.”


“Baka dahil sa power tripping niya, siya pa ang palitan, maraming mas malaking stars sa kanya na mas malakas ang hatak sa manunuod, mas bata mas maganda at mas professional. Kaya huwag maarte na nagsasabi na hindi ko type kasama si ganito o ganyan, dahil tignan muna ang level bago mag demand.

"Huwag over sa power tripping, baka mapahiya lang. Payo lang po, huwag mapikon, para huwag lumabas wrinkles" prankang pahayag ni Lolit 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post