Nito lamang nga nagdaang araw, mainit na pinag-uusapan sa social media ang celebrity couple na sina Markus Paterson at Janella Salvador.

Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na wala na raw update ang dalawa sa kanilang Instagram ng kanilang mga larawan na magkasama.


Last pa raw na namataan silang magkasama ay noon pang January.

Sa isang vlog ni Ogie Diaz ay ibinunyag nito ang kanyang nalalaman na may narinig raw siya na matagal ng hiwalay sina Markus at Janella.

"Ang narinig ko lang Loi, ang narinig ko lang ay matagal nang hiwalay si Janella Salvador at si Markus Patterson. Hindi naman taon, mga ilang buwan na."sabi ni Ogie

“Narinig ko ito Loi na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Patterson,” dagdag pa nito 

Sa kabila ng mga isyung ito, ay nagpost si Markus ng pagbati sa kay Janella nitong Mothers day.

Sabi niya:"happy Mother’s Day, celebrate the amazing mother you have become. "



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post