Talagang di mapigilang magreact ng actress na si Angel Locsin sa viral na mga larawan ni VP Leni na kung saan matiyaga itong pumila sa isang paaralan para makaboto.


Ayon kay Angel, isang magandang ehemplo ang ipinakita ni VP Leni.

"Good example ka talaga Mam"sabi ni Angel 

Kwento pa ni Angel: "Sa lahat ng campaign rallies nila na napuntahan ko, walang VIP passes or area. Backstage pass lang for talents and prod team. 

"Simple lang ang mgq tents. Kahit kaming nga artista na sanay sa VVIP treatment, walang nagpa-VIP kasi kung siya nga napaka-simple, nakakahiya namang mas maarte ka pa  pag sa eroplano, economy ang ticket lang rin kami pag nag vo-volunteer mag ikot. 

"Wala rin akong nakitang nag private plane or helicopter na inimbita. This is my observation. Sumunod kami by example, hindi dahil nasabihan .

"Ang gandang example na pumipila kagaya ng lahat. Walang mas nakakataas. Pantay pantay respeto sa mga pumipila at naiinitan  an appreciation post sa lahat ng pumipila ng maayos at hindi nag pa VIP  not a campaign post"


Si Angel Locsin ay isang sikat na artista dito sa Pilipinas. Maraming mga tao ang humanga kay Angel dahil sa taglay nitong kabutihan.

Sa katunayan ay tinawag pa siyang real life Darna dahil sa agaran niyang pagtulong sa mga nangangailanan. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post