Nagsalita narin sa wakas ang actor na si Seth Fedelin kaugnay sa nagviral na pag "Yes" ni Andrea Brillantes sa proposal ng basketbolistang si Ricci Rivero na maging girlfriend niya ito kamakailan lang.


Sa kanyang ibinahaging live update sa kanyang instagram ay ibinunyag ni Seth na wala siyang sama ng loob kay Andrea.

Ayon kay Seth, masaya raw siya para sa kanyang kaibigan at deserve umano nito na may taong magmamahal sa kanya na kayang ipagsigawan sa lahat ang pagmamahal niya para sa dalaga.  


Sa mga hindi nakaka-alam sina Seth at Andrea ay on-screen partners at una silang nagtatambal sa hit series ng kapamilya network na Kadenang Ginto.

Panoorin dito ang video ni Seth:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post