Nagbigay ng isang madamdaming mensahe ang actor na si McCoy de Leon para sa 1st birthday ng kanyang anak na si Baby Felize.

Sabi ni McCoy: 


"Simpleng mensahe para sa aking anak

Alam ko mayron tayong selebrasyon at bakasyon sa malayong lugar para mapasaya ka namin anak. Pero gusto ko lang rin malaman mo na ngayon eksaktong oras ng kaarawan mo. Naghanda ako ng munting salo salo para mapasaya ka namin sa simpleng paraan, walang ayos, walang kahit ano.

Basta ngayon anak kumpleto tayo kasama ka namin ng mommy mo, maniwala ka man sa hindi masayang masaya na ako, sobra na kung makita ka naming nakangiti (na dalawa pa ring maliliit na ipin ). Salamat sa mga ngiti mo tuwing naipapakita mong masaya ka sa amin, parang kami ang laging ang may kaarawan. Hindi ko alam kung paano ko matutumbasan yun anak . Ang tanging regalo ko sa ngayon anak ay pagmamahal na panghabangbuhay... pangako ya


Sana pag tanda mo mabasa mo to at nakangiti ka. Ito ang patunay na sa unang taon mo dito sa mundo, lahat lahat gagawin ko para mapasaya ka lang anak. Mahal na mahal kita anak ko at ng mommy... sobra  Happy FIRST(hay ang bilis ng panahon ) Birthday Felize! n..."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post