May matinding banat si Lolit Solis sa kapapanganak lang na singer na si Angeline Quinto.

Ayon kay Lolit parang KSP raw ang dating sa mga post ni Angeline.

"Ewan ko...pero parang KSP o kulang sa pansin ang dating sa akin ng mga gimmick ni Angeline Quinto. Hindi mo alam kung ano ba ang gusto niya maging reaction ng tao sa mga posting niya ng pre at after delivery moments niya."


Ayon pa kay Lolit, tila hindi na raw interesado ang mga tao sa buhay ng singer.

 “Parang hindi naman ganuon ka excited ang tao sa mga nangyayari sa buhay niya, kaya hindi mo feel kung ano ba ang purpose na lagi niya inilalagay sa social media iyon mga kaganapan sa buhay niya. Baka naman hindi ko lang napupuna, pero parang 'so what ' naman ang dating ng mga nakakapanuod ng mga posting niya," paliwanag niya.

Tinawag pang cheap ni Lolit si Angeline.

“Pag sobra kasing trying hard, mukhang cheap di ba? Kasi kung talagang newsmaker ka ikaw ang hahabulin ng news, hindi ikaw ang nagbibigay nito. Kahit iyon mga pictorial niya ba buntis siya, parang so, so lang ang dating, hindi pinag usapan. Kung ako si Angeline Quinto, hintayin mo na ikaw ang lapitan para sa news, hindi iyon gumagawa ka ng news. Very cheap ang dating di bah! Hindi bongga,” aniya pa.


6 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
Eh ano naman sau kung mag post si angeline? Ang tanda tanda mo na mahilig ka paring makiilam ng buhay ng iba.. so kung mag post siya masaya siya dun eh... wala kang pakiilam.. mag post ka rin ng tiyan mo baka naiinggit ka lang..
Anonymous said…
FYI first time maging mommy sya kya excited sya ipakita kaganapan sa pagbubuntis nya hanggang sa panganganak niya just like us, mga ordinary mommy, sorry lolit solis bka nde ka masaya sa pagiging
Anonymous said…
Eh ano naman ang pakialam mo lolit Solis , ingit ka. Ano ang dahilan at sasabihin mo pang cheap si Angeline, nanganak Lang Tao sasabihin mo pang cheap.
Anonymous said…
oo nga nman anu b pakialam nyo f mgpost sya about her happenings in life,,i think wla nman sya pki f mpansin sya o hndi ng media bsta msaya sya n may baby n sya,,,d yun KSP ..
Anonymous said…
Tanders na kasi sya at laos na kaya sya nagpapapansin. Gusto nya makita mukha nya sa social media kaya lahat pinapakialaman. Akala mo di sya nanganak kung manlait ng tao. Tingin-tingin naman sa salamin kung sino ka at kung ano muta mo bago ka mamuna ng muta ng iba....
Anonymous said…
Pag itinago ang pag bubunyis or panganganak dami mga batikos mga Salita tapos ngayong lantaran ang pag bubuntis or panganganak sasabin cheap San ba talaga lulugar sa Inyo lolet soles pahinga ka nalang kaya baka pagod kna mag balita or baka kasi wala ka ng mabalita Pati si Angeline na masaya sa baby nya pakiki alaman mo 🤭🤭✌️✌️
Previous Post Next Post