Masayang ibinahagi ng actor na si Baron Giesler na siya ay gumraduate na sa wakas ng college.

Sa kanyang post sa instagram, ay proud na proud ang actor na ibinahagi na sa wakas ay natupad narin ang isa sa kanyang pangarap na itinuring niyang isang biggest achievement na nangyari sa kanyang buhay.


Ang nasabing graduation ng actor ay naganap nito lamang April 26 sa All Nations College sa Antipolo, Rizal. 

Si Baron ay gumraduate sa kursong Theology sa edad na 39.

“It’s never too late.My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!” sabi ni Baron sa kanyang post sa Instagram 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post