t

Talagang di mapigilang palagan ng pamangkin ng komedyanteng si Vice Ganda ang nagsabing si Vice raw ang "source of income" ng kanilang pamilya.


Sa kanyang tiktok video, ay nilinaw ni Camille Viceral na hindi lang sila umaasa sa bigay ni Vice.

Sabi niya: "Nakakabastos po. Lumaki po kami sa hirap at alam po namin na ang pag-unlad ng isa ay hindi pag-unlad ng lahat.

"Dahil kung 'yun po nag iisipin namin, hihilahin po namin 'yung tao pababa. 


"May kanya-kanya po kaming pag-iisip, personalidad, pinagkakakitaan, at responsibilidad sa loob at labas ng bahay.

"Kung ano po 'yung binibigay sa amin (ni Tito Vice), 'yun lang po 'yung aangkinin namin. Hindi na rin po kami naghahangad ng sobra-sobra pa doon. 

"Ayun lang. 'Wag po tayong naga-assume at wag po tayong bastos," ani Camille. 

Panoorin dito:

@camille_viceral

♬ original sound - Camille Viceral

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post