Ibinahagi ng Ina ni Jane de Leon na si Marie de Leon na isinugod kamakailan si Jane sa hospital.

Sa kanyang post sa Facebook ngayong araw, ibinahagi ni Marie ang ang ilang larawan ni Jane nung ito ay maadmit sa ospital kahapon.


Ngunit sa ngayon ay masayang ibinahagi ni Marie na nakalabas na sila ng ospital at pinayuhan niya si Jane na huwag pabayaan ang kalusugan.

"Thanked God at nakalabas ka na rin from your confinement babe. Be more careful next time of your health. Wag magpapagutom at magpahinga rin during free time. Importante ang trabaho pero mas importante ang kalusugan. Health is wealth anak .Rest ka ng mabuti...I love you sooooo much! "sabi ng ina ni Jane


Nagpapasalamat din si Marie dahil sa mga tumulong para maisugod at mabigyan agad ng lunas si Jane.

"Karen May, if not for you di agad madala sa hospital si Jane. Salamat sa inyo ni Dr. Ton Arcangel for your immediate action. Dr. Ton, thanks for being so accommodating and responsive, also for the room visits to check on Jane and for the little chats we had. Moreover, to Starmagic management, JRB unit, Darna prod'n., Ms. Nenette Demillo Rustia and Tyronne James Escalante for attending to all of Jane's concerns, maraming salamat sa inyo. God bless you all!"


Ayon pa sa Ina ni Jane okay na raw ngayon ang actress.

"P.S. pictures were taken yesterday and during her admission Wednesday night. She's okay now but still on medication. Salamat din sa mga nagmi-message showing your concern. Love you guys! "

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post