Nagreact na ang beteranang columnist na si Lolit Solis sa balitang ikinasal na ang actress na si Erich Gonzales sa anak ng bilyonaryo na si Mateo Lorenzo.


Sabi niya: "Ikinasal na pala sila Erich Gonzales at Mateo Lorenzo, Salve. Bongga noh! Talagang natuloy sa altar ang pagmamahalan ng dalawa.

"Talagang ipinaglaban ni Mateo Lorenzo ang pagmamahal niya kay Erich Gonzales. Medyo conservative ang pamilya Lorenzo kaya siguro hindi kaagad nila matanggap na isang mula sa showbiz ang magiging in law nila. 


"Pero para naman sinasadya, dahil iyon isang kapatid daw ni Mateo si Claudia Barretto naman ang GF. Mukhang mga taga showbiz ang magiging dagdag pamilya sa mga Lorenzo. 

"Maipapakita naman ni Erich Gonzales na karapat dapat siya ipagmalaking asawa ni Mateo Lorenzo. Congrats and best wishes sa dalawang bagong kasal, live forever happily. Bongga"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post