Kinumpirma na ng actor na si Jeric Raval ang relasyon ng kanyang anak na si Aj Raval sa actor na si Aljur Abrenica.


Kamakailan lang ay nakapanayam ng Pep.ph si Jeric at ibinunyag niya ang tungkol sa pag-uusap nila ni Aljur ng lalaki sa lalaki. 

"Basta nasa ayos lang ang lahat. Nagkausap na naman kami. Una ko siyang nakausap sa PDEA office.

"Lalake namang kausap yung tao, mabait naman. 

"Tinanong ko lang naman sa kanya kung siya ba ay hiwalay. 'Opo.' 'Ano ba ang plano mo sa anak ko?' 

"Sabi niya, nagmamahalan daw sila. 'E, di magaling,' sabi ko. Yung tipikal na tinatanong ng isang ama." 


Aminado rin ang actor na nasasaktan siyang tinawag na kabit ang kanyang anak.

"Una kong reaksiyon, ama ako, e, siyempre gusto natin lagi sa anak natin yung the best, di ba?

"You will have a better life kung iba ang manliligaw sa iyo. Hindi ka mapipintasan ng tao, hindi ka maba-bash. Hindi ka tatawaging 'kabit.'

"Kaya lang, that's life. Tao lang ang mga iyan, nagmamahalan.


"Masakit, siyempre, nasasaktan ako. Siyempre, inaalagaan ko ang anak ko, pinalaki ko nang maayos. 

"Pag naririnig ko ang mga yun, pasok na lang dito, labas na lang dito," paliwanag ng actor  



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post