Umalma ang kapamilya actress at dating Pinoy Big Brother winner na si Maymay Entrata sa nagpakalat ng "Fake News" na umanoy peke ang kanyang boyfriend.


Sa kanyang twitter, ibinahagi ni Maymay ang isang youtube link na nagsasabing fale ang boyfriend na ni-reveal ni Maymay nitong Valentines Day.

"Its Confirm! Jowang nireveal ni Maymay Entrata its a Fake pala?..." sabi sa headline ng nasabing youtube link 

Ayon kay Maymay, isa itong malaking Fake news.

"‼️FAKE NEWS‼️"sabi ni Maymay 


Nagbanta rin si Maymay na kapag hindi ito buburahan ay baka aabot na ito sa husgado.

"Kapag di nyo po buburahin at patuloy nyo pong pag s-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag nyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po"ayon kay Maymay 

Sa ngayon ay burado na ang nasabing youtube video.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post