Binasag narin sa wakas ng ama ng actor na si James Reid ang kanyang katahimikan kaugnay sa kumakalat ng bali-balitang hindi na raw babalik ng Pinas si James at doon na maninirahan sa Amerika.


Ayon sa ama ni James na si Malcom Reid, nagpunta lamang ang actor sa Amerika para sa isang recording at bisitahin ang kapatid.

"With James at NAIA a few days ago. On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it," sabi ni Malcolm sa kanyang Instagram post.


"Anything else is basura … sorry to disappoint the fake newsmakers,” dagdag niya.

Maalala na nitong nakaraang linggo ay naging usap-usapan na sa US na titira si James matapos magkaroon ito ng despedida party kasama ang mga kaibigan.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post