Naglabas ng kanyang prankang saloobin ang beteranang actress na si Rita Avila dahil sa ginawa ni Boy Abunda sa Presidential Interview nito kay VP Leni Robredo.


Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi niya ang screenshot ng isang netizen na tinawag na bastos si Abunda dahil sa nasabing interview.

Ayon kay Avila, mataas raw ang tingin niya kay Abunda kaya niya ito pinagtatanggol ngunit sa nasabing interview ay tila ayaw raw nitong pasagutin si VP Leni.

"WHY?!!! Parang ayaw mo na pasagutin. Parang ayaw mo sha mag-expound.Ang sad Boy. Pinagtanggol pa kita na professional ka and respectful sa sinumang guest mo," sabi ni Avila 


Maliban kay Rita, marami ring netizens ang naglabas ng hinaing dahil sa pag-interupt ni Abunda sa nasabing interview kay VP Leni.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post