Labis na nagpapasalamat sa kanyang mga followers ang Viral Scandal star na si Joshua Garcia matapos umabot sa 99.9 million views ang kanyang video sa tiktok.


"Thank you!" simpleng caption ni Joshua sa kanyang twitter post kasabay ng screenshot ng kanyang tiktok video na makikita ang 99.9M na views.

Sa pagkakasulat na ito, ang nasabing video ay umabot na sa 102.2 million views.

Samantala tatlo pa lamang ang inupload na video ni Joshua sa kanyang tiktok account. Lahat ng kanyang video ay nagviral at umani ng libo libong views.


Sa ngayon ay 4.8 million followers si Joshua sa kanyang tiktok account at mayroong 19.4M likes.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post