Nagreact na ang talent manager na si Ogie Diaz kaugnay sa isyu ngayon ng "The Gold Squad" members na sina Seth Fedelin, Andrea Brillantes at Francine Diaz.


Sa kanyang showbiz update vlog kasama si Mama Loi ay napag-usapan nila ang isyu tungkol sa umanoy pag-unfollow ni Andrea kay Francine kasunod ng viral photo nina Seth kasama ang pamilya ni Francine.

"Eh nay, sa ganyang sitwasyon na nalaman natin na nag-unfollow-an sila, anong ibig sabihin niyan, nay? Totoo bang may namamagitan kaya? As a manager," tanong ni Mama Loi 

Ayon kay Ogie feeling raw niya ay walang namamagitan kina Seth at Andrea.


"Ako, feeling ko ah, walang namamagitan kay Andrea at kay Seth. Love team lamang sila at nag-click yung kanilang love team. Siguro, bilang manager ano? Siguro, itong si Andrea, medyo na-off. Baka kasi kay Andrea, ang feeling niya, 'Sandali. Inaalagaan natin yung love team natin eh, ako lang ba mag-aalaga ng love team natin? Diba dapat tayong dalawa? Eh ba't may ganyan? Ba't may FranSeth?'" 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post