To the rescue ang actor na si Robin sa dati niyang girlfriend na si Kris Aquino matapos itong bina-bash parin sa kabila ng matinding sakit nito.


Sa kanyang post sa facebook, inilahad ni Robin ang labis na pag-alala kay Kris.

"Ako po ay nag aalala kay ms Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino," sabi ni Robin 

Naki-usap rin ang actor na tigilan na ang pambabatikos kay Kris.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay Ms. Aquino na magpaka makatao muna po kayo,” sabi ng aktor.

“Hindi naman po tayo bulag para makita na may dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamutan,”dagdag pa nito 


Hiling ng actor na bigyang ng "moral support" si Kris.

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman,” ani Robin.

“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan,” dagdag niya.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post