Sa January 12 episode ng Cristy Ferminute, ay napag-usapan nina Cristy Fermin at kasama niyang si Rommel Chicka ang tungkol sa kalusugan ni Kris Aquino.


Kamakailan lang ay nagbahagi si Kris sa kanyang instagram ng update tungkol sa kanyang kalusugan. 

Ayon kay Cristy, naawa raw siya kay Kris nang makita niya ang nasabing post ni Kris.

Ayon pa kay Cristy, kung tutuusin daw ay nahihiga sa pera si Kris subalit heto’t hirap pa ring matukoy ang lunas sa kaniyang sakit na nakapagpapabagsak sa kaniyang katawan. 

Ngunit sa kabila ng karamadaman ni Kris ay tumutulong parin ito.

Sabi pa ni Cristy, may ilang netizen raw ang nagsabi sa kanya na kausapin si Kris at payuhan na magpakunsulta sa albularyo.

“Ang dami-dami na nga pong tumatawag sa akin, bakit daw hindi ko kausapin si Kris para magpagamot sa albularyo,”ani Cristy 


“Diyos ko, kung si Kris po ay tumatanggap ng mga ganoong salita, siguro po ay noon pa, nagpatingin na siya sa albularyo.” 

Pero kung tutuusin daw, may mga milyonaryo na nataningan na ng mga doktor subalit nang magtungo at magpagamot sa albularyo ay gumaling naman. Ang dahilan daw dito ay faith o pananampalatayang gagaling.

“Sana, doon humawak si Kris Aquino sa pananampalataya, hingin niya ang buhay niya sa Diyos,” sabi pa ni Cristy 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post