Pinalagan ni Alexa Ilacad ang isang netizen matapos siyang tawaging user at sinabihan pa siya na ayaw mawalan ng fans.


Ito ay matapos siyang malink sa mga dati niyang kasamahan sa Pinoy Big Brother na sina KD Estrada, Eian Rances at Benedix Ramos.

Ayon sa netizen ayaw raw ni Alexa na mamili ng isa sa tatlo na nabanggit, ang masaklap pa ay tinawag na toxic ang actress.

"Yung @alexailacad kasi daming ships, ayaw mamili ng isa lang. Ayaw kasi mabawasan ang fans. Legit user @alexailacad with her toxic fans @ALEXAnators," sabi ng netizen 


Agad naman itong sinagot ni Alexa, sabi niya: "I came out of PBB surprised by all of these ships too.. Pero hindi ko kailangan “mamili” because I appreciate ALL supporters from ALL ships. LALONG LALO NA ANG ALEXANATORS KO. dude, It wouldn’t hurt you to spread love and kindness, ok? Ikaw yung toxic eh,"  




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post