Ipinakilala na kagabi, December 13 ang bagong kapalit ni Kuya Kim Atienza bilang resident meteorologist at weather presenter ng ABS-CBN. 

Ito ay walang iba kundi si Ariel Rojas Ariel Rojas na dating weather specialist ng PAGASA sa loob ng 4 na taon.

Si Ariel ay nakapagtapos ng kursong BS Food Technology sa University of the Philippines-Diliman at nagkamit ng master's degree sa meteoreology bilang iskolar ng PAGASA.

Labis naman na nagpasalamat si Ariel sa mainit na pagtanggap sa kanya ng TV Patrol at ABSCBN News

"Thanks for the warm welcome, TV Patrol & ABS-CBN News! Still overcome with emotions. Salamat din sa live studio cheerers na kasama ko sa pic na to at sa lahat ng staff & crew behind the scenes. " ani Ariel sa kanyang post 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post