Binasag na rin sa wakas ng kapamilya actress na si Bela Padilla ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyung siya  raw ay buntis kaya nanirahan na siya sa London.

Sa kanyang recent vlog, isiniwalat ni Bela na hindi totoo ang isyung ito.

“I’m not pregnant. I’m just enjoying my life. Not everyone who moves to a different country is pregnant. Sometimes, you know, people like me, we just want to come here to live. Some just have dreams, and want to explore a different parts of the world,” sabi ni Bela sa kanyang vlog 

Sa mga hindi nakaka-alam, si Bela ay isang half-British kaya pwede siyang manirahan sa London kung kailan niya gusto.

Nilinaw din ni Bela sa kanyang vlog na ang kanyang boyfriend na si Norman ay naka-base sa Switzerland at hindi sila magkasamang nanirahan sa London.

Hindi rin iiwan ni Bela ang showbiz at inilahad niya na babalik siya sa Pilipinas para i-promote ang kanyang upcoming movie.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post