Labis na nagpapasalamat ang Darna star na si Jane de Leon sa kanyang kaloveteam na si Joshua Garcia matapos siyang magka-wardrob malfunction.

Napigtal kasi ang strap ng cocktail dress ng actress sa Christmas special ng ABSCBN nitong Sabado ng gabi.

"Thank you @iamjoshuagarcia for helping me cover my wardrobe malfunction!," ani Jane sa Twitter.

Sa closing production number ay mapapanood na magkatabi sina Jane at Joshua. 

Maya-maya ay mapapansin na tila natigilan si Jane na hawak na ang bodice ng kanyang damit.

Nang bumalik muli sa kanila ang kamera ay makikita si Jane na nasa likod na ni Joshua at hawak pa rin nito ang itaas na bahagi ng kanyang damit.

Sina Jane at Joshua ay magkasama sa bagong Fantaserye ng ABSCBN na "Darna: The TV series".

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post