Nagbigay ng tulong ang Queen of All Talk na si Kris Aquino sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.

Ngayon lamang linggo, ipinost ni Kris sa kanyang instagram ang isang clip kung saan makikita ang background sa labas ng kanyang tinitirhan.

"Ayoko pong isipin ninyo na dedma ako sa pinagdadaanan ng mga kapwa nating Pilipino dahil sa napakalakas at bagsik ng bagyong #Odette."ani Kris sa kanyang caption 

Ayon pa kay Kris, kung may mga kalamidad na darating tulong-tulong raw sila ni Angel magbigay ng tulong sa ilang mga naapektuhan.

"Matagal na kaming tandem ni @therealangellocsin pag ganitong may kalamidad at araw araw kaming nag-uusap kung paano ba makakatulong. Kinukulit namin ni Alvin si Ina ni VP @lenirobredo." ani Kris

5am pa raw siya na nakipag-ugnayan kay VP Leni.

"5AM kanina magka-text kami ni VP Leni. Saludo ako sa kanya at kay Senator @mannypacquiao dahil nagkaisa sila para mas maraming matulungan. Finally makakauwi na, at mas marami nang magagawa." ani Kris

Wish rin ni Kris na sana ay wag mawalan ng pag-asa.

"God bless the Philippines during yet another crisis. Sana wag tayong mawalan ng pag-asa dahil pabangon pa lang, knockout na naman. Bawal ang sumuko dahil hindi tayo pababayaan ng magbi-birthday sa Dec 25." sabi pa ni Kris 

Narito ang buong post ni Kris: 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post