Masayang nagcelebrate ng kanyang 25th birthday ang kilalang vlogger na si Ivana Alawi sa isang P1-million-per-night hotel villa sa Okada Manila.

Sa video na ipinost niya sa YouTube, iginala ni Ivana ang kanyang mommy Fatima at mga kapatid na sina Mona, Hash at Almira sa 1,400-square meter villa.

Ayon sa actress/vlogger, nag-book siya ng tatlong kuwarto sa hotel pero nasorpresa siya nang bigyan siya ng upgrade ng management para sa "grandest villa" nito na nagkakahalaga ng P1 milyon per night.

“Walang matutulog ha! One million ito, susulitin natin 'yung one million. Walang pipikit,” ani Ivana sa kanyang pamilya.

Mayroong limang silid, gym room, study room, entertainment area, bar area, isang malaking dining area at may direct access sa private pool ang nasabing villa.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post