Pormal ng namaalam ang broadcaster na si Julius Babao sa ABSCBN na naging tahanan niya sa loob ng 28 years.

Pinasalamatan ni Babao ang ABSCBN na nagbigay sa kanya ng magandang karera.

"Hindi po ito pamamaalam kundi isang pagpapahayag ng pasasalamat. Sa lahat ng aking naging kapamilya, at sa loob ng 28 taon, dito na po ako lumaki sa ABS-CBN, kung inyong mapapansin napakapayat ko pa noon. Nagkaroon ng magandang karera, nakilala ang aking magandang asawa at nagkaroon ng pagkakataong makatulong sa maraming mamamayan. 

"Hindi ko na masyadong iisa-isahin mga kapamilya, sasabihin ko nalang po sa inyo dito, sasabihin ko na lang na dito sa ABS-CBN, natupad ang mga pangarap ko sa buhay."sabi ni Babao

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post