Nagreact na ang singer na si Erik Santos matapos niyang malaman ng may boyfriend na ang singer na nalilink sa kanya na si Angeline Quinto. 

Sa artikulo ng ABSCBN Entertainment, inilahad ni Erik na matagal ma niyang alam na may boyfriend na si Angeline.

"Matagal ko na pong alam yun. Kaso lang kasi ako, I never asked her. Kasi parang nahihiya rin ako mag-ask. So, hinintay ko lang po siya na maghintay sa'kin about dun sa boyfriend niya,” sabi ng singer

“Nung in-open up niya about sa'kin, okay naman po, wala naman pong problema. Saka kami naman ni Angeline, na-build na namin yung friendship namin na kahit anong mangyari, palagi kaming andyan para sa isa't isa.”dagdag pa niya 

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang reaksyon ay sinabi ni Erik na hindi siya nanghihinayang na hindi naging sila ni Angeline.

"Medyo nag-isip. Walang naman pong panghihinayang...Nag-isip lang na 'a, okay meron na,’" sabi ni Erik

“Masasabi ko na we tried naman. Kapag hindi siguro ukol, hindi talaga para sa'yo. May mas magandang plano si Lord para sa atin"dagdag pa niya 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post