Binasag narin sa wakas ni AJ Raval ang kanyang katahimikan kaugnay sa paratang ni Barbie Imperial na umanoy siya ang nagbigay ng mga info sa controversial social media influencer na si Xian Gaza.

Sa panayam ng Pikapika ay sinabi ni AJ na wala siyang alam sa paratang ni Barbie.

"Hindi ko po alam. Wala po akong idea sa’n po galing ’yon kasi ba’t naman ako magfi-feed kay Xian ng tungkol sa akin, e, 'di parang pinahamak ko po ’yong sarili ko?" paliwanag ni AJ 

Ayon pa kay AJ, wala raw siyang alam sa mga sinasabi ni Xian.

“Hindi ko po rin alam. Hindi ko rin po alam hinahayaan ko na lang po ’yong Xian Gaza kasi content niya po ’yon, e. Wala po tayong magagawa. Trabaho niya pong manira ng tao dahil trabaho niya pong gumawa ng kwento. Wala po tayong magagawa. Hahayaan ko na lang din po,”ani AJ 

Hindi rin daw naman na-offend si AJ sa "kabit" remark ni Barbie

“Wala po. Hindi naman po ako na-offend. Wala lang po. For me po kasi nakakatawa siya... saan po galing ’yong k’wento na ’yon, saan po galing ’yong istorya na ’yon. Nakakatawa po. Bigla nalang may ganu’n ka na k’wento. Hindi naman po totoo,”  



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post