Binasag narin sa wakas ng actress na si AJ Raval ang kanyang katahimikan kaugnay sa totoong relasyon nila ng actor na si Diego Loyzaga.

Maalala na nito lamang nakaraan, ay tinawag ni Barbie Imperial ang atensyon ni AJ na magsalita kung hindi raw ito kabit ni Diego.

"Yung about kay Aj Raval, for me kasi diba, if wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka, like kabit ni Diego, magsalita ka. Bakit gusto mo na nangyari to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego?"sabi ni Barbie sa panayam ni Boy Abunda 

Samantala sa isang exclusive interview ng Pikapika ay isiniwalat ni AJ ang tungkol sa totoong ugnayan nila ni Diego.

Ayon kay Aj, hindi raw nanligaw sa kanya si Diego at wala raw silang relasyon. Hindi rin daw totoo na pumunta si Diego sa kanya sa Pampangga.

"Si Diego po hindi po never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego. One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. Ayon lang po. 

"Hindi po totoo na pumunta siya ng Pampanga. Last kita ko pa po sa kanya sa set pa ng Death of a Girlfriend. 

"Sa totoo lang, wala po akong contact sa kanila... kay Diego. Hindi po kami nag-uusap. Parang one year ago huling usap ko po kina Barbie at saka isang beses ko lang din po nakita si Barbie. Parang Hi, hello lang po. So, wala po talaga kaming connection." ani AJ sa nasabing interview


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post