Sa kabila ng mga sinasabi ni Madam Inutz laban sa kanya, para sa dating PBB celebrity housemate na si Chie Filomeno ay si Madam Inutz parin ang kanyang Big 4.

Maalala noong sa nakaraang ay ni-nomimate ni Inutz si Chie at sabi ready na raw itong lumabas dawal walay raw itong maiambag.

"Binibigyan ko ng two points si Chie. Ready na siya. Ready na siyang umalis, kasi nga wala naman siyang ginawa. Wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda," ani Madam Inutz sa nasabing nominasyon 

Sa isang panayam, inilahad ni Chie na si Inutz ang kanyang Big 4.

"Sa akin kasi tinanong ako kung sino ang Big 4 ko, siya lang talaga 'yung hindi natanggal sa Big 4 ko. As in siya talaga 'yung Big 4 ko whether narinig ko nga 'yung sinabi niya. Kasi alam ko kung ano ang na-offer ko sa loob ng bahay ni Kuya. Alam ko kung ano ang nagawa ko for the housemates and also for myself.

"So doon ko na lang po tiningnan sa perspective na 'yon. And si Madam Inutz, she's a strong, independent woman, a single mom. Alam ko ang pinagdaanan nya. So that doesn't change like kung ano 'yung tingin ko sa kanya kahit narinig ko 'yon. She's still one of my Big 4," sabi ni Chie Filomeno 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post