Ibinunyag ng actor na si Paolo Avelino sa isang interview na kasalukuyang nag-aaral ngayon ang kanyang anak kay LJ Reyes na si Aki sa New York.

Maalala na kamakailan lang ay lumipad papuntang New York si LJ kasama ang dalawa niyang anak na si Aki at Summer matapos ang hiwalayan nila ng kanyang partner na si Paolo Contis.

“Medyo touchy topic na yan pero sa ngayon nasa New York din siya and happy naman siya. Nag-aaral na siya doon ngayon,” pagbubunyag ng actor base sa report ng PUSH 

Ibinunyag rin ng actor ang ilang detalye sa long-distance relationship nila ng kanyang anak.

“We do phone calls every now and then kung kailan siya free since baliktad na din yung oras. Minsan masyado nang late rin para makausap ko siya. Pero usually ang bonding namin parang gaming rin talaga. Kumbaga, parang mahilig din sa games yung anak ko. Siguro nagmana sa tatay,” sabi ni Paolo 

Maalala din sa mga nakaraang report na nagreach-out si Paolo kay LJ para sa anak niyang si Aki.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post